Sa iyong palagay, may magandang naidudulot ba ang pamilyang nagbibigay ng positibong impluwensiya sa paghubog ng sarili?

Katanungan

Sa iyong palagay, may magandang naidudulot ba ang pamilyang nagbibigay ng positibong impluwensiya sa paghubog ng sarili?

Sagot verified answer sagot

Sa aking palagay, aba ay talaga namang totoo na may magandang naidudulot ang positibong impluwensiyang naibibigay ng isang pamilya para sa sarili.

Ang mga positibong impluwensiya na ito ay nagsisilbing aral lalo na para sa mga anak. Sa tulong ng mga impluwensiyang ito ay nagiging handa na ang mga miyembro ng bawat pamilya na maging responsableng indibidwal sa komunidad nila.

Natututo rin sila kung paano magkaroon at magpalaki ng kanilang pamilya para sa susunod ng mga henerasyon. Ang mga positibong impluwensiya rin ng pamilya ay nagdadala ng kasiyahan at kaginhawaan para sa mga miyembro ng pamilya dahil mapayapa ang kanilang pamumuhay.