Sa iyong tingin si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa bakit?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

sa iyong tingin si sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng africa bakit?

Sagot verified answer sagot

Oo, si Sundiata ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa.

Ayon sa epiko ng sinaunang Mali na pinamagatang Sundiata, ang bidang itinaghal na si Sundiata Keita ay maituturing na tunay na bayani ng kasaysayan sapagkat sa kabila ng kanyang kapansanan at masamang karanasan sa buhay siya ay kinakitaan ng katapangan at kahandaan upang lumaban at tumulong sa mga nangangailangan.

Sa epikong ito ipinakita ang pisikal na kaanyuan ni Sundiata maging ang kanyang kapansanan, inilarawan din ang pangungutyang kanyang naranasan maging ng kanyang ina.

Subalit, sa kabila ng mga mapapait na pangyayaring ito, ng kailanganin ang kanyang tulong ay hindi siya nagdalawang isip na tumugon na tiyak na isang mabuting katangian ng pagiging bayani.