Sa kasalukuyan ano ang batas ang nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan?

Katanungan

sa kasalukuyan ano ang batas ang nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan?

Sagot verified answer sagot

Sa ilalim ng Saligang Batas ng ating bansang Pilipinas, ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, ay ang batas na nangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kanilang mga anak.

Binibigyan ng batas na ito ng proteksyon ang mga babae at bata laban sa mga abuso at iba pang dahas.

Bagamat may iba pang mga batas na nagbibigay proteksyon sa isang tao, ang batas na ito ay may mga saklaw na nagdadagdag ng seguridad para sa mga babae at bata. Ang sinumang lalabag sa RA 9262 ay haharap sa karampatang parusa.