Sa kasalukuyan upang makasabay ang mga manggagawang Pilipino ay dapat?

Katanungan Sagot

6

Katanungan

sa kasalukuyan upang makasabay ang mga manggagawang pilipino ay dapat?

Sagot verified answer sagot

Sa kasalukuyan upang makasabay ang mga manggagawang Pilipino ay dapat na maging handa ang mga ito sa pagharap sa mga hamon.

Ang mga manggagawang Pilipino ay ang mga importanteng indibidwal na nakatutulong sa pagpapalago ng paggawa o produksyon sa bansa. Ang mga indibidwal na ito ay humaharap sa iba’t ibang hamon o pagsubok na kaakibat ng kanilang trabaho.

Isa sa mga suliraning ito ang pagiging laganap ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya o makinarya sa paggawa na nagbibigay ng hindi pamilyar na gawain sa mga tao kung kaya naman upang maging matagumpay sa bawat hamon, ang mga manggagawa ay dapat na maging handa sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga ito sa paggamit ng mga makinarya at pagpapadala sa iba’t ibang seminar.