Sa labindalawang yugto ng makataong kilos, sa anong yugto natatapos ang moral na kilos?

Katanungan

sa labindalawang yugto ng makataong kilos, sa anong yugto natatapos ang moral na kilos?

Sagot verified answer sagot

Sa labindalawang yugto ng makataong kilos, sa ikawalong yugto natatapos ang moral na kilos. Ang makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino ay binubuo ng walang yugto.

Ito ang mga sumusunod:

1) pagkakaunawa sa layunin kung saan lumilikha ang tao ng nais kamtin.

2) nais ng layunin kung saan nagkakaroon ng pagnanasa ang tao na kamtin ang layunin.

3) paghuhusga sa nais makamtan kung saan pinahihintulutan ang kalooban na masuri ang kanyang nais.

4) intensyon kung saan sinisiyasat ng tao ang mas dapat gawin.

5) masusing pagsusuri kung saan nagsisikap ang tao na makahanap ng paraan sa pagkamit ng layunin ng binibigyang halaga ang saloobin. 6)

paghuhusga kung saan pipili ang tao ng dapat gawin.

7) praktikal na paghuhusga kung saan pakaiisipin ang pinakamabuting pamamaraan.

8) pagpili kung saan ang malayang pagpapasiya ay tutulong upang makamit ang layunin.

9) utos kung saan matapos makamit ang layunin ay isasagawa ang dapat gawin o gamit nito.

10) paggamit kung saan ang nakamit na layunin ay gagamitin sa buhay.

11) pangkaisipang kakayahan kung saan titimbangin ang resulta ng isinagawang kilos.

12) bunga kung saan mararanasan ng tao ang resulta ng isinagawang pagpili.