Sa Maynila ako ay makikita Presidente ay dito nakatira?

Katanungan

sa maynila ako ay makikita presidente ay dito nakatira?

Sagot verified answer sagot

Ang tinutukoy sa pahayag na “sa Maynila ako ay makikita, presidente ay dito nakatira” ay ang Malacañang.

Ang Malacañang o kilala rin sa tawag na Palasyo ng Malakanyang ay ang opisyal o itinalagang tirahan ng pangulo ng bansa.

Ang ngalan nito ay hinango sa salitang “May Lakan” dahil ayon sa kasaysayan, ang dating taong nanirahan dito ay isang negosyanteng kastilang mayaman.

Ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng pampang ng Ilog Pasig sa kalakhang Maynila. Ang estilong arkitektural nito ay alinsunod sa arkitektura ng Espanyol na kolonya at Neo-klasikal na Arkitektura. Sa kasalukuyan, ang pangulong gumagamit nito ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.