Mula sa kaniyang trabaho bilang mangingisda, lumuwas sa Maynila si Julio upang hanapin ang kasintahang si Ligaya. Si Ligaya ay nasa Maynila nang sumama sa isang Mrs. Cruz dahil sa alok nitong trabaho.
Dahil matagal nang walang komunikasyon ang dalawa, sumunod na si Julio sa lungsod. Ngunit imbes na mahanap ang nawawalang si Ligaya, iba ang nahanap ni Julio—ang sunod-sunod na pighati at paghihirap sa Maynila.
Namasukan man ng iba’t ibang trabaho upang mamuhay, tila hindi naman umayon ang swerte sa kaniya. Madalas siyang apihin sa mga napapasukang trabaho. Nananakawan din siya at nabubugbog ng mga maaangas. Dahil din sa napakaraming dinanas, hindi na rin napigilan ni Julio ang sarili at nakapaslang na rin ng iba.
Sinabi ni Julio sa sarili na upang manatiling buhay sa mabangis na lungsod, kinakailangan na niyang sumakay sa agos at palakasin ang sarili. Hindi na dapat siya magpaapi sa kalaban na naging sanhi ng pagiging mapangahas niya.
Nagkita rin sina Ligaya at Julio. Dito ay nalaman niyang pinagsasamantalahan siya ng isang banyagang Tsino at hindi maayos na trabaho ang mayroon siya sa lungsod. Nagkasundo naman ang dalawa na gagawa sila ng paraan upang makatakas, kahit mayroon pang dugong dumanak o buhay na mabuwis.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!