Katanungan
Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at hubuging lubos Bakit?
Sagot
May apat tayong tinatawag na makrong kasanayang pangwika. Ang mga ito ay ang sumusunod: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.
Para sa akin, ang pinipili kong pinaka mahalaga na linangin at hubugin lubos ay ang pagbabasa. Lahat naman ay talagang importante sa ating buhay dahil tinutulungan tayo pagdating sa komunikasyon.
Ngunit mas binibigyan ko ng importansya ang pagbabasa dahil susunod at susunod ang pakikinig, pagsasalita, at pagsusulat kung ang isang tao ay marunong magbasa.
Sa pagbabasa rin kasi natin maikokonekta ang pag-intindi. Kailangan muna maintindihan ng isang tao ang mga bagay-bagay bago niya ito isulat, sabihin, at pakinggan mula sa ibang tao.