Sa mga nagawang pag-aaral sa kasaysayan ang mga sinaunang kabihasnan ay nagmula sa?

Katanungan

sa mga nagawang pag-aaral sa kasaysayan ang mga sinaunang kabihasnan ay nagmula sa?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa mga historyador, ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak ilog.

Ito ay makikita natin sa Mesopotamia, Ehipto, at Indus Valley na mga sibilisasyong natatag. Ang mga ito ay napapagitnaan o di kaya naman ay napapalibutan ng mga ilog.

Ang Mesopotamia sa may Fertile Crescent at napapagitnaan ng mga Ilog Tigris at Euphrates. Ang Ehipto naman ay may Ilog Nile.

Habang ang Indus Valley ay may mga Ilog Indus at Sarasvati. Gayun rin ang naunang sibilisasyon na umusbong sa Asya, partikular na sa bahagi ng Tsina. Ito ay umusbong sa lambak ilog na napapalibutan ng mga ilog Yellow at Yangtze.