Katanungan
sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat ang mahahalagang impormasyon sa kanyang mga mambabasa?
Sagot
Magiging mas epektibong maipararating ng isang manunulat ang mga impormasyon at mensaheng nais niyang makuha ng mga mambabasa kung siya ay magsusulat ng diretso sa punto.
Sa gayung paraan ay mas madaling maiintidihan ng mambabasa ang lathalain. Magiging mas madali para sa manunulat kung siya ay gagamit o susunod sa mga patnubay upang makapag-akda ng isang tekstong impormatibo.
Tekstong impormatibo ang tawag sa uri ng mga teksto na ang pangunahing layunin ay maglahad ng impormasyon at magbigay kaalaman para sa mga mambabasa.
Kung susundin ng manunulat ang tekstong impormatibo ay tiyak na magiging epektib ito upang maipakalat niya ang impormasyong kanyang nais ipalaganap.