Sa paanong paraan maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa paanong paraan maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran?

Sagot verified answer sagot

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili sa tamang pagsunod ng mga patakaran maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran.

Ang bansa ay kumakaharap ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran tulad ng deforestation o pagkakalbo sa ating mga kagubatan, polusyon, maling pagtatapon ng mga basura, pagkakaingin o pagsunog ng mga puno sa kagubatan, at pagmimina.

Ito ay mga gawaing tao mismo ang gumagawa. Ang mga suliraning ito ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa atin at sa ating kabuhayan pagdating ng panahon kung kaya’t nangangailagan itong agarang masolusyunan.

Maiiwasan ang mga nasabing problemang pangkapaligiran kung tayong mga tao ay mayroong disiplina sa sarili. Disiplinang magtuturo sa atin upang sumunod ng may bukas na kaisipan sa mga patakarang ipinatutupad ng kagawaran upang mapangalagaan an gating kapaligiran.