Katanungan
sa paanong paraan nagkakapantay pantay ang tao?
Sagot
Ang tao ay nagkakapantay-pantay sa karapatan at sa pagtingin ng lumikha. Ang bawat indibidwal na ninirahan sa bansa ay pinangangalagaan ng pamahalaan sa tulong ng iba’t ibang mga panukalang batas na sumisiguro sa pantay na pagtingin sa bawat isa.
Ang ga ito rin ang nagsisilbing sandigan upang hindi masamantala ang karapatan ng bawat isa.Kung kaya naman, ang mga tao ay nagkakapantay-pantay sa pagkakaroon ng mga karapatan.
Ang karapatan ng isa ay kagaya rin ng karapatang mayroon ang lahat. Sa kabilang banda, ang pagtingin ng Diyos sa kanyang mga likha ay nagkakapantay-pantay din. Sinasabing walang nakahihigit sa bawat indibidwal na nilalang ng Diyos.