Sa paanong paraan naiba ang tributo sa encomienda?

Katanungan

sa paanong paraan naiba ang tributo sa encomienda?

Sagot verified answer sagot

Noong sinakop ng mga Kastila ang ating bansang Pilipinas, pinalitan nila at nagpatupad sila ng iba’t-ibang sistema. Dalawa rito sa sistemang ito ay tinatawag nilang tributo at encomienda.

Ang dalawang sistemang ito ay magkaiba ngunit parehong nagbibigay pasakit sa mga mamamayang Pilipino.

Ang encomienda ay ang paraan kung san hinati-hati sa maliliit na yunit ang mga lupain at ibinahagi sa mga sundalong Espanyol na may posisyon. Sa ganoong paraan ay mas napabilis ang kanilang pananakop.

Ang mga mamamayang Pilipino ng mga lupain na nasakop ay sapilitang nagtatrabaho para sa mga Kastila. Sa kabilang banda naman, hindi pa sapat ang pagtatrabaho kaya naman nagpataw ng buwis ang mga Espanyol at tinawag na tributo.