Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawala maikling pagpapaliwanag

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawala maikling pagpapaliwanag

Sagot verified answer sagot

Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawala maikling pagpapaliwanagAng salawikaing “sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala” ay nangangahulugang ang isang tao ay lalong nawalan dahil sa kagustuhang kumita.

Sa ilang pagkakataon kasi ng ating buhay, mayroong mga taong hindi pa makontento sa mga bagay na nakakamit nila. Nais nila, bukod sa mga bagay na makukuha nila sa paggawa ng mga bagay, ay may makukuha pa rin silang mas maraming bagay pa.

Kung ganito ang siste, imbes na magkaroon ay lalo silang nawawalan. Isang halimbawa ay ang mga politiko na panay kuha ng yaman ng bayan. Akala nila ay kumikita sila, ngunit nawawala ang lahat sa kanila sa oras na mabilanggo sila dahil sa maling ginawa.