Sa pagsabog ng bulkang Taal bakit kinakailangan ng agarang paglikas?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

sa pagsabog ng bulkang taal bakit kinakailangan ng agarang paglikas?

Sagot verified answer sagot

Ang pagsabog ng isang bulkan ay isang mapanganib na trahedya. Kaya naman kung hindi lilikas ang mga residenteng nakatira malapit rito, tulad na lamang ng nangyari kamakailan lamang sa Bulkang Taal, ay maaaring ikamatay ng mga mamamayan ang pagsabog.

Mula sa paglipad ng mga bato hanggang sa paglanghap ng mga abo at usok ay maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan, maaari ring masira ang kanilang mga tahanan, o mas malala ay maging sanhi ng kamatayan ng mga nakatira malapit sa sumabog na bulkan.

Dapat talagang lumikas ang mga residente upang hindi na sila malagay sa peligro at hindi na rin makasama sa kanilang kalusugan.