Katanungan
sa pagsulat ng bionote bakit kailangang sundin ang baligtad na tatsulok?
Sagot
Sa pagsulat ng bionote, kailangang sundin ang baligtad na tatsulok sapagkat ang estilong ito ay nakatutulong upang mailahad ang mga obhetibong impormasyon mula sa pinakamahalaga hanggang sa mahalagang impormasyon na kapaki-pakinabang sa pagsulat ng bionote.
Ang bionote ay tumutukoy sa talatang impormatibo na naglalaman ng mga impormasyong nagpapakilala sa isang propesyunal.
Ito ay gumagamit ng estilong inverted pyramid o baligtad na tatsulok upang mailahad ang mga impormasyon sa obhetibong pamamaraan kung saan inuuna ang mga pinakamahahalagang bagay o impormasyon patungkol sa taong ipinakikilala.
Bilang karagdagan, mahalaga ang bionote sapagkat naipakikilala nito ang buhay ng isang kilalang tao mula sa kasaysayan gamit ang mga direkta at totoong mga salita.