sa panahon ng kalamidad bakit mahalaga ang pagiging kalmado?

Katanungan Sagot

Katanungan

sa panahon ng kalamidad bakit mahalaga ang pagiging kalmado?

Sagot verified answer sagot

sa panahon ng kalamidad bakit mahalaga ang pagiging kalmadoSa panahon ng kalamidad, mahalaga ang pagiging kalmado dahil nakatutulong ito upang makapag-isip nang maayos at makakilos nang tama.

Natural na kasing kilos ng tao sa oras ng sakuna o kalamidad ang mataranta at mag-isip nang sobra. Kaya naman ang pagiging kalmado ay ang sagot upang maharap nang maayos at may lakas ng loo bang suliranin.

Kapag kasi natataranta ang isang tao, hindi ito makapag-iisip nang wasto dahil napangungunahan ng kaniyang emosyon kaya naman imbes na tama ang gagawing kilos, ay lalo itong pumapalpak.

Kung maayos ang pag-iisip at damdamin ng tao, sa madaling sabi ay kalmado, mas magagawa ng tao ang kaniyang dapat gawin sa oras ng kalamidad.