Sa panahong ito ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

sa panahong ito ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar?

Sagot verified answer sagot

Noong Panahong Neolitiko ay nagsimula at natuto nang manirahan ang mga tao sa iisang lugar lamang. Ang neolitiko, na nagmula sa salitang “neo,” ay literal na nangangahulugang bago.

Ito ay ang panahon kung saan marami sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao ay nakitaan ng pagbabago, kabilang na ang pagtira sa isang lugar o lupain.

Tinatawag rin ang panahon na ito bilang Panahon ng Bagong Bato at ang kahuli-hulihang panahon sa ilalim ng Panahong Bato.

Sa ilalim ng panahon na ito ay mas umunlad ang pagsasaka ng mga tao, ang kanilang mga kagamitan ay gawa sa bato, at nagsimula na ang pagtatayo ng mga gusali tulad ng temple.