Sa pangkalahatan nakakatulong ba o nakakasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Katanungan

Sa pangkalahatan nakakatulong ba o nakakasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga pilipino?

Sagot verified answer sagot

Sa pangkalahatan kapwa nakakatulong at nakakasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pagpapalawig ng kalakalang pandaigdigan upang sa gayon ay malayang makaikot sa iba’t ibang panig ng mundo ang serbisyo at produkto.

Ang konsepto ng globalisasyon ay mayroong mabuti at masamang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kabilang sa mga mabuting dulot nito ang pagbabago sa antas ng pamumuhay, ang mga iba’t ibang produkto ay tinatangkilik sa loob at labas ng bansa, ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, at ang pagkakaroon ng malakas na ugnayan.

Samantaka, ang hindi mabuting dulot ay napahhina nito ang pagkakakilanlan ng bansa, mas nagagamit ang wikang banyaga kaysa sa wikang sarili, ang mga maliliit na nagnenegosyo ay nalulugi, at ang mga produktong lokal ay hindi napapaboran.