Katanungan
sa pitch name ano ang ginagamit na simbolo?
Sagot
Ang ginagamit na simbolo sa pitch name ay tinatawag na clef. Ang clef ay isang simbolo na ginagamit sa musika na siyang nagpapakita ng pitch na nakatala sa isang awitin.
Ito ay kadalasang inilalagay sa stave na siyang nagbibigay hiwatig sa ngalan at klase ng pitch na makikita sa mga linya.
Ang clef ay binubuo ng tatlong uri, ito ay ang C, F, at G. Ang F at G clefs ay madalas tinatawag na bass at treble clefs na siyang ginagamit sa modernong uri ng musika. Samantala, ang C clef ay ang tinatawag na bihira o hindi karaniwang klase ng clef.