Katanungan
sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao alin ang karapat dapat panagutan bakit?
Sagot
Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, ang karapat-dapat panagutan ay ang kusang loob dahil ang mga kilos ay isinasagawa ng may pagkukusa at sapat na kaalaman.
Ang makataong kilos ay mga gawaing ginagawa ng isang tao ng ayon sa sapat na kaalaman, may pagkukusa, at may kalayaan na kung saan ang isang tao ay gumagamit ng isip maging ng bukal na loob sa pagsasagawa ng mga gampanin.
Ang kilos na konektado rin sa kpangutan ay ang walang kusang loob na tumutukoy sa kawalan ng isang indibidwal ng kaalaman at ang di kusang-loob na kung saan ang isang tao ay kumikilos ng hindi naaayon sa kanyang kagustuhan.