Saan ang lugar kung saan ang hudyat ng rebolusyon ay ginawa?

Katanungan Sagot

Katanungan

saan ang lugar kung saan ang hudyat ng rebolusyon ay ginawa?

Sagot verified answer sagot

Saan ang lugar kung saan ang hudyat ng rebolusyon ay ginawaAng lugar kung saan naghudyat ang pagsisimula ng rebolusyon ay ang Pugad Lawin. Nang mabisto ang lihim na samahan ng mga Katipunero, agad na kumilos si Andres Bonifacio at pinulong ang bahagi ng KKK.

At sa huling bahagi ng Agosto 1896, naghimagsik sina Bonifacuo sa isang lugar sa Kalookan o ang Pugad Lawin. Dito ay galit at matapang na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula na isang tanda ng kanilang pagsuway sa batas ng mga Kastila at ang pag-uumpisa ng himagsikang kanilang nais mangyari.

Ang pagpunit na ito ng sedula ng mga Katipunero ay naging hudyat ng kanilang himagsikan at nasundan na ng ilan pang pagkilos.