Saan ginagamit ang komersyalismo?

Katanungan

saan ginagamit ang komersyalismo?

Sagot verified answer sagot

Ang pag-usbong ng globalisasyon ay siyang nagbigay daan sa komersyalismo. Ang komersyalismo ay tawag sa kultura kung saan ang mga produkto at serbisyo na dati ay nasa ilalim lamang ng pangangailangan ng tao ay unti-unti nang nagiging bahagi ng kagustuhan nila.

Maraming mga produser at kompanya na ngayon ang gumagamit ng komersyalismo para mang-akit ng mga mamimili. Sa ganitong paraan ay mas dumadami ang kanilang benta.

Kapag ang kanilang produkto o serbisyo ay sumailalim sa komersyalismo, marami na ang tatangkilik rito. Ilan sa mga paraan ng komersyalismo ay ang paggamit ng mga sikat na tao upang gawing tanyag ang mga produkto o serbisyo.