Katanungan
saan ginagamit ang kritiko?
Sagot
Ang kritiko ay kadalasan ginagamit sa mga panitikan. Ang kritiko ay na-uugnay sa salitang husga.
Kung ang isang tao ay magbibigay ng isang kritiko, ang ibig sabihin nito ay magbibigay ito ng opinyon o huhusgahan niya ang isang bagay. May sinusunod ang kritiko na batayan, lalo na kung ito ay gagamitin sa isang akademikong lipunan.
Ang mga kritiko na ating ibibigay o matatanggap ay maaaring positibo o negatibo. Gagamitin natin ang mga ito upang malaman natin kung paano pa natin mas mapapaunlad an gating lathalain o iba pang uri ng panitikan. Minsan ay nagkakaroon rin ng patimpalak para sa pagkikritiko.