Saan ginagamit ang salitang netizen?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

saan ginagamit ang salitang netizen?

Sagot verified answer sagot

Ang salitang netizen ay ginagamit sa social media. Ang salitang netizen ay ang pinagsamang mga katagang ingles na internet at citizen na ang ibig sabihin ay “citizen of the net”.

Ito ay mga mamamayan o mga taong madalas gumamit ng iba’t ibang platform ng social media. Ginagamit ito sa pangkalahatang aspeto ng indibidwal.

Ang netizen ay hindi lamang ginagamit sa paggamit na lamang ng social media kundi ito ay higit na nabibigyang katuturan sa aktibong paggamit ng social media at internet.

Ang katagang ito ay unang ginamit noong taong 1990 para ilarawan ang heograpiya ng tao na nabuo sa internet.