Katanungan
saan hango ang lalawigan ng rizal?
Sagot
Ang lalawigan ng Rizal ay hango sa pangalan ng bansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ang Rizal ay isang probinsiya sa Pilipinas na bahagi ng Rehiyon IV-A o ang CALABARZON na nasa Luzon.
Ang kapital nito ay ang Antipolo. Ang Rizal ay may tinatayang layo mula sa siyudad ng Maynila na 16 km o 9.9 na milya.
Ang mga karatig na lugar nito ay ang sumusunod: Sa hilaga ay ang Bulacan, sa silangan ay ang Quezon, sa timog-silangan ay ang Laguna, samantalang Metro Manila sa kanluran.
Ayon sa kasaysayan, ang ngalan nito ay hango sa pambansang bayani na si Jose Rizal o Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda.