Saan inilipat ni pangulong Quezon ang pamahalaang komonwelt ng sumiklab ang digmaan sa mga Hapones?

Katanungan

saan inilipat ni pangulong quezon ang pamahalaang komonwelt ng sumiklab ang digmaan sa mga hapones?

Sagot verified answer sagot

Sa Corregidor inilipat ni Pangulong Quezon ang pamahalaang komonwelt ng sumiklab ang digmaan sa mga Hapones.

Ang Pamahalaang Komonwelt ay pinasinayaan noong ika-15 ng nobyembre taong 1935 sa pangunguna nina Pangulong Manuel L. Quezon at Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña.

Naglalayon ang pamahalaang ito na sanayin ang mga Pilipino sa aspetong pamumuno sa Pilipinas na isang hakbang upang makamtan ang kalayaan ng bansa kabilang sa mga programang naipagkaloob ng gobyerno sa mga mamamayan ay ang pagkakaroon ng tanggulang bayan, pambansang wika, katarungang panlipunan, karapatang makaboto ng mga kababaihan, at pagbabago sa larangan ng edukasyon.

Binigyang katuturan din ng pamahalaang ito ang tatlong sangay ng gobyerno na ehekutibo, lehislatibo, at panghukuman.