Saan ipinanganak si Jose Rizal?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

saan ipinanganak si jose rizal?

Sagot verified answer sagot

Sa Calamba, Laguna ipinanganak si Jose Rizal. Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal at may palayaw na Pepe ay ang pambansang bayani ng bansang Pilipinas.

Isa siya sa mga indibidwal na matapang na nagsulong ng reporma sa bansa matapos ang pananakop ng iba’t ibang bansa. Siya ay ang pang-pito sa labing-isang magkakapatid at isinilang sa Calamba, Laguna sa isang angkang mayaman.

Siya ay nagtapos ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas na kalaunan ay itinuloy ang pagkadalubhasa sa Madrid, Spain na naging ugat upang siya ay makakuha ng lisensiya sa larangan ng medisina.