Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?

Katanungan

saan itinatag ang kabihasnang minoan?

Sagot verified answer sagot

Ang kabihasnang Minoan ay isang sibilisasyon na naitatag sa Crete noong pagitan ng 3000 at 2000 BCE.

Ang isla ng Crete kung saan umusbong ang nasabing sibilisasyon ay matatagpuan na ngayon na nasasakupan ng bansang Greece.

Ngunit ganoon pa man, ang mga Minoan noon ay hindi itinuturing na mga Griyego pero isa ang kabihasnang Minoan sa mga sinasabing naging malaking tulong para sa paglago ng imperyong Gresya.

Ang pangalan ng kabihasnang Minoan ay nagmula sa kanilang hari na si Haring Minos. Matatagpuan ang kabisera nila sa Knossos. Bukod sa impluwensyang Gresya, may impluwensya ring nakuha ang mga Minoan mula sa Ehipto.