Katanungan
saan iwinagayway ang watawat ng pilipinas?
Sagot
Ang watawat ng Pilipinas ay unang iwinagayway sa Imus, Cavite.
Ayon sa kasaysayan, itinuturing na ang pagwagayway ng watawat ng bansang Pilipinas sa bahay ni Emilio Aguinaldo noong ika 12 ng Hunyo taong 1898 ay bilang tanda ng pagkakalaya ng bansa o pagkamit ng kasarinlan nito sa kamay ng mga mananakop ay ang unang beses na iwinagayway ang watawat
subalit ang naganap na ito ay isang pormalidad lamang sapagkat bago pa ito, nauna ng iwagayway ang watawat sa Imus, Cavite noong ika 28 ng Mayo 1898 sa pagsiklab ng pakikidigma ng mga Katipunero laban sa mga Kastilang mananakop. Ang labanang ito ay tinawag na “Battle of Alpan”.