Saan konseptong pangwika maiuugnay ang pamagat ng artikulo na back to school zone speed reduction?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

saan konseptong pangwika maiuugnay ang pamagat ng artikulo?

Sagot verified answer sagot

Sa konsepto ng wikang opisyal maiuugnay ang pamagat ng artikulo na Back to School Zone Speed Reduction.

Ang wikang opisyal ng bansang Pilipinas ay parehong wikang Filipino at wikang Ingles. Ito ay nakasaad sa ating saligang batas at sa ating konstitusyon.

Ang ibig sabihin ay ang dalawang wikang nabanggit ay ang mga natatanging maaaring gamitin sa mga opisyal na dokumento ng pamahalaan, mga negosyo, at iba pa.

Dahil ang pamagat ng artikulo ay nasa salitang Ingles, ito ay masasabing nakasunod sa konsepto ng wikang opisyal. Kung isasalin naman sa isa pang wikang opisyal ng bansa na wikang Filipino, ang pamagat ay magiging “Balik Eskwela: Bawasan ang Bilis sa Pagmamaneho.”