Katanungan
Saan makikita ang komunidad ng mga unang Pilipino? Saan nga ba? HAHA
Sagot
Ang mga unang Pilipino ay makikita lamang kung saan-saan. Hindi katulad ng mga komunidad sa kasalukuyan, ang mga Pilipino noon ay palipat-lipat ng tahanan.
Ang mahalag sa mga Pilipino noon ay hindi ang pagkakaroon ng permanenteng bahay o tahanan kung hindi kung saan sila makakukuha ng kanilang pagkain. Ang pagkuha ng pagkain ay nakadepende naman sa kanilang kapaligiran.
Ang mga mamamayan at komunidad ay tumitira sa mga lugar kung saan makakukuha ng pagkain katulad ng mga yungib sa kagubatan kung saan maraming ligaw na hayop. Mayroon din namang mga tumitira sa tabi ng mga ilog at dagat kung saan naman sila nakakukuha ng mga hayop dagat na maaaring kainin.