Saan makikita ang malawak na niyugan?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

saan makikita ang malawak na niyugan?

Sagot verified answer sagot

Sa Quezon makikita ang malawak na niyugan. Iba’t ibang produkto ang makikita sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging masagana nito sa yamang likas na kung saan iba’t ibang mga produkto ang maaaring maipagmalaki.

Ang mga produktong ito ang siyang higit na magbibigay kilanlan sa bawat lugar. Ilan sa mga halimbawa nito ang palayan o taniman ng palay na makikita sa Gitnang Luzon, abaka naman ang maipagmamalaki ng Kabikulan, at malawak na taniman ng niyugan naman ang higit na maipagmamalaki ng Quezon.

Ang mga produktong ito ang nakatutulong upang mapatakbo ang ekonomiya ng bansa kung kaya ito ay dapat na pagyamanin.