Katanungan
saan makikita ang pinakamaliit na buto natin sa katawan?
Sagot
Ang ating katawan ay binubuo ng mga buto — dalawang daan at anim na buto. Ang pinakamaliit na buto sa ating buong katawan ay matatagpuan sa ating tenga.
Ito ay ang stirrup o stape kung tawagin. Tenga ang ginagamit nating parte ng katawan upang tayo ay may pandinig.
Ang stape o stirrup ay nasa may gitnang bahagi ng tenga kung saan dumadaloy ay tinatawag na “sound vibrations.”
Dahil ito ang pinakamaliit na buto sa ating buong katawan, tiyak naman na ang stape o stirrup ang siya ring pinakamagaan na buto.
Sa kabilang banda, ang femur bone sa may hita natin naman ang itinuturing na pinakamalaking buto.