Katanungan
saan makikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sagot
Ito ay nakikita sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao. Dito makikita kung gaano ginagawa nang maayos ng mga manggagawa ang kanilang trabaho upang masabi na mahalaga ito, dahil kung basta basta lamang ito ginawa ay hindi makakapaghatid ng matinong produkto ang isang korporasyon.
Ang paggawa ay isa sa mga nagpapayaman sa ating bansa, lalo na ang lakas paggawa ng mga manggagawa.
Bukod pa rito, kahit mababa ang pasahod sa kanila ay tinutuloy pa rin nila ang maayos na pagta-trabaho at nakakapag-prodyus ng kalidad na produkto.
Kung wala ang paggawa ay tiyak na wala ring mabubuong produkto at mapapakinabangan ng isang lipunan.