Saan matatagpuan ang dambana ng kagitingan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

saan matatagpuan ang dambana ng kagitingan?

Sagot verified answer sagot

Ang Dambana ng Kagitingan ay matatagpuan sa lalawigan ng Bataan, partikular na sa ituktok ng Bundok Samat.

Ang Bataan naman ay bahagi ng rehiyon 3 o Gitnang Luzon. Ilang oras lamang ang layo nito sa kalakhang Maynila kaya naman maraming mga turista ang bumibisita sa lugar.

Makikita sa banal na lugar ang isang higanteng krus na pwedeng akyatin. Mahaba-haba ang lalakarin patungo sa ituktok kaya naman sinasabihan ang lahat ng nais bumisita na magsuot ng komportable na mga damit.

Sa lugar na ito naganap ang isa sa mga pinaka kakila-kilabot na pang-aabuso ng mga Hapon sa ating mga mamamayang Pilipino noong sinakop tayo ng kanilang bansa.