Saan matatagpuan ang Indonesia?

Katanungan Sagot

Katanungan

saan matatagpuan ang indonesia?

Sagot verified answer sagot

Saan matatagpuan ang IndonesiaAng Indonesia ay matatagpuan sa paligid ng mga bansa at isla ng Papua New Guinea, East Timor, Malaysia, Singapore, at Pilipinas.

Ito ay kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Ang Indonesia ang sinasabing pinakamalaking arkipelago sa buong mundo na mayroong 17,580 na isla at halos 7,000 sa mga ito ang maaaring tirahan.

Ayon sa datos, nasa 238 milyon ang populasyon ng Indonesia at ang pang-apat sa pinakamataong bansa sa mundo. Ang Jakarta naman ang kabisera nito at ang bansa ay naging kolonya ng bansang Netherlands. Ang Indonesia ay isang bansang republika at mayroong pangulong inihahalal tuwing eleksiyon na itinakda sa kanilang Saligang Batas.