Katanungan
saan matatagpuan ang philippine eagle?
Sagot
Ang Philippine Eagle, o kilala rin sa mga pangalan na mokey-eating eagle o great Philippine eagle, ay isang uri ng agila na makikita lamang rito sa ating bansang Pilipinas, at nakikita lamang ito sa 4 na isla sa Luzon, Samar, Leyte and Mindanao.
Sa kasamaang palad, isa na ito sa mga kabilang sa kategorya ng endangered species, o listahan ng mga hayop na malapit nang maubos sa mundo.
Ayon sa mga dalubhasa, isa ang Philippine eagle sa mga pinakamalalaking agila sa buong daigdig. Kaya naman gayon na lamang ang pag-iingat sa mga ito.
Ang iba sa mga natitirang Philippine Eagle natin ay nasa pangangalaga na ng isang conservation center tulad ng sa Davao. Mayroon pa ring iilan na malayang nakatira sa mga kabundukan o kagubatan.