Saan matatagpuan ang talon ng Maria Cristina?

Katanungan Sagot

Katanungan

saan matatagpuan ang talon ng maria cristina?

Sagot verified answer sagot

Sa Iligan City makikita ang Talon ng Maria Cristina. Ang Talon ng Maria Cristina ay tinatawag din na kambal na talon na ang tuktok ay pinaghihiwalay ng batong Malaki.

Ang talong ito ang pagkakakilanlan ng lugar na Iligian kung saan tinawag ito bilang Lungsod na mayroong kahanga-hangang talon sapagkat matatagpuan dito ang may tinatayang dalawampung (20) talon.

Ang talong ito ang siyang pangunahing pinagkukunan ng kanilang elektrisidad. Pinaniniwalaang mula sa magkapatid na umibig sa iisang sultan ang ngalan ng talong ito na sina Maria at Cristina.

Sinasabing hindi batid ng dalawa kung sino ang nais ng binate kung kaya naman ay lubos na nagdamdam si Maria. Ito ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay sa talon na ng makaabot ito sa kaalaman ni Cristina ay ginawa rin niya ang nagawa ni Maria.