Saan matatagpuan ang taniman ng abaka?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

saan matatagpuan ang taniman ng abaka?

Sagot verified answer sagot

Matatagpuan ang taniman ng abaka sa Rehiyon ng Bicol. Ang abaka ay isang klase ng halaman na pinagmumulan ng himaymay o hibla.

Ang halamang ito ay madalas na naihahalintulad sa puno ng saging subalit ang pagkakaiba ay madaling mababata partikular na sa dulong bahagi ng dahon nito sapagkat kung ikukumpara sa saging ang bahaging ito ay patulis.

Ang abaka ay kapaki-pakinabang sa ekonomiya ng bansa sapagkat ang mga ito ay ginagamit upang makagawa ng tela na pangunahing kasangkapan sa paggawa ng damit na isa sa mga pangangailangan ng mga indibidwal. Ang iba pang gamit nito ay nagbibigay kapakinabangan sa paggawa ng basket at lubid.