Saan matatagpuan at makikilala ang batas moral?

Katanungan

saan matatagpuan at makikilala ang batas moral?

Sagot verified answer sagot

Ang mga batas na ipinagkaloob sa tao ayon sa kabutihan at karunungan ng Diyos ay tinatawag na Likas na Batas Moral.

Sa pamamagitan ng mga batas na ito, may kakayahan ang bawat tao na kilalanin ang mabuti mula sa masama. Walang kongkretong lugar kung saan nakasulat ang mga likas na batas moral.

Ang ilan ay nakasulat sa Bibliya, lalo na kung ikaw ay Kristiyano. Ang iba naman ay nasa konstitusyon ng bawat bansa.

Ang likas na batas moral ay kadalasan itinuturo sa atin mula pagkabata pa lamang. Nagsisilbi itong gabay sa tamang direksyon sa buhay na ating tatahakin upang hindi tayo magkasala.