Saan nagmula ang awiting lawiswis kawayan?

Katanungan

saan nagmula ang awiting lawiswis kawayan?

Sagot verified answer sagot

Ang awiting pinamagatang Lawiswis Kawayan ay isang kanta na naisalin sa wikang Tagalog. Ang kauna-unahang umawit rito sa wikang Tagalog ay si Rosita Sta. Fe. Nagmula ang kanta sa isla ng Viasayas.

Isa itong katutubong awit na pinakatanyag sa lungsod ng Samar at Leyte. Ang buong kanta ay patungkol sa tunog na ginagawa ng mga kawayan sa tuwing tatama ang hangin sa kanila.

Ang orihinal na kanta ay nakasulat sa wikang Bisaya dahil ito ang lengguwaheng gamit sa Visayas. Ngunit dahil mas maraming mga Pilipino ang nakakaintindi at nagsasalita ng Tagalog ay napagpasiyahan ng isang record label, ang Mico Records, na isalin ito sa Tagalog.