Saan nagmula ang kesong puti?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

saan nagmula ang kesong puti?

Sagot verified answer sagot

Ang kesong puti ay isang uri ng kesong Pilipino. Ito ay gawa mula sa gatas ng kalabaw na hinalo sa asin, suka, citrus juices, at iba pa. Maaari ring palitan ang gatas ng kalabaw at gumamit ng gatas ng kambing o baka.

Kesong puti ang tawag sa uri ng kesong ito dahil sa taglay nitong puting kulay. Maaaring gawin ang kesong ito kahit na nasa bahay lamang. Napakadali lamang ng paggawa.

Kailangan lamang initin ang gatas at huwag hahayaang kumulo ito. Kaya naman inihahalo dapat ito habang pinapainit. Atsaka magdadagdag ng asin matapos ang sampung minuto. Pagkatapos ay suka at citrus juices naman ang ihahalo. Ang mga citrus juices ay maaaring manggaling sa lemon.