Saan nagmula ang larong tumbang preso?

Katanungan Sagot

Katanungan

Saan nagmula ang larong tumbang preso?

Sagot verified answer sagot

Saan nagmula ang larong tumbang presoAng tumbang preso ay isa sa mga laro ng lahi o mga tradisyonal na larong pambata na pinaniniwalaang unang lumaganap sa bayan ng San Rafeal, sa lalawigan ng Bulacan.

Ang larong ito ay nilalahukan ng maraming manlalaro. Maaari itong laruin sa malawak na bakuran at lansangan kung saan maaaring maghabulan ang mga kasali.

Ang latang walang laman ay binabantayan ng isang taya. Ang lata ay maaaring lata ng gatas na may katamtamang sukat.

Ang mga manlalaro naman ay babatuhin ang lata gamit ang kanilang tsinelas na siya namang dapat mapatayo ng taya upang makapanaya naman ng iba. Ang terminong tumbang preso ay mula sa pagpapatumba ng lata na nakapaloob sa isang bilog na parang preso.