Saan nagsimula ang kauna unahang sibilisasyong Aegean?

Katanungan

saan nagsimula ang kauna unahang sibilisasyong aegean?

Sagot verified answer sagot

Ang unang sibilisasyong Aegan ay nagmula sa Crete. Ang pinakaunang sibilisasyong Aegan ay ang kabihasnang Minoan na umusbong sa Crete. Ito ay pinaniniwalaang nagsimula noong 3100 bce.

Ang kabihasnang ito ay sinasabing pinamumunuan ng isang haring nagngangalang Haring Minos na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kabihasnan.

Ang mga Minoan ay pinaniniwalaang nagtataglay ng kahusayan o kagalingan sa larangan ng paggamit ng mga metal na gamit.

Ang kanilang mga tahanan ay tinukoy na gawa sa laryo o bricks. Ang mga minoan din ay kinilala sa paggawa ng mga palayok na kanilang ginamit sa pakikipagpalitan ng produkto na kung saan ang disenyo ng mga ito ay masiyasat na ipininta.