Saan nanggaling ang salitang heograpiya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Saan nanggaling ang salitang heograpiya?

Sagot verified answer sagot

Saan nanggaling ang salitang heograpiyaAng salitang heograpiya ay mula sa salitang English na geography. Ang geography naman ay nagmula sa dalawang salitang Greek na pinagsama.

Ang una ay ang salitang Griyego na “geo” o “gaia” na ang ibig sabihin ay “mundo” o “daigdig” habang ang salitang “graphos” naman ay mayroong kahulugang “isulat” o “imapa.” Dahil dito, ang geography o heograpiya ay may literal na kahulugang nakamapang mundo.

Dahil ito sa pag-aaral ng mundo tungkol sa kalupaan nito at kung saan ang lokasyon ng isang partikular na lugar. Kasama rin sa inaaral sa geography o heograpiya ay ang relasyon ng taong naninirahan sa isang partikular na lupain o lugar.