Saan o kailan magagamit ang sawikain?

Katanungan Sagot

Katanungan

Saan o kailan magagamit ang sawikain?

Sagot verified answer sagot

Saan o kailan magagamit ang sawikainAng mga sawikain o idyoma ay magagamit sa pagpapahayag ng sarili sa mga sulatin, lalo na sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula, sanaysay, dagli, talambuhay, at iba pa.

Ang mga sawikain ay malikhaing mga pahayag na hindi binubuo nang tumpak ang kahulugan at may hiwagang dapat tuklasin ang mga mambabasa.

Dahil hindi tuwirang naibibigay ang kahulugan at kaisipan, nagkakaroon ng hiwaga sa mga mambabasa ang akda kaya naman angkop itong gamitin sa ating mga sulatin.

Maaari din namang gamitin ang mga sawikain sa mga usapan lalo na kung pormal at malaliman naman ang ginagawang talastasan. Ngunit sa mas maraming okasyon, ginagamit ang mga sawikain sa mga sulatin.