Katanungan
saan sinasabing unang nanirahan ang mga asyano sa sinaunang kabihasnan?
Sagot
Sinasabing unang nanirahan ang mga asyano sa sinaunang kabihasnan sa mga lambak-ilog.
Ang mga kabihasnang umusbong sa kontinente ng Asya ay ang mga kabihasnang Sumer na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga kauna-unahang mga taong sibilisado sa lipunan; Kabihasnang Indus kung saan nakilala sa mga ambag nito sa sistema ng pagsulat na tinatawag na pictogram;
at ang Kabihasnang Shang na mula naman sa lambak na matatagpuan sa China partikular na sa Huang Ho na nakilala naman dahil sa pagiging mataba ng lupa bunsod ng pagbaha.
Ang mga kabihasnang asyanong unang umusbong ay sumibol sa mga lambak-ilog dahil ito ang nagsisilbing mapagkukunan ng mga kailangan upang mabuhay.