Katanungan
saan sinusulat ang baybayin?
Sagot
Ayon kay Morrow, ang Baybayin ay sinusulat sa balat ng punongkahoy at kawayan ang karaniwang gamit na sulatan ng mga sinaunang Tagalog at iniuukit dito ang mga titik sa pamamagitan ng matulis na bagay.
Ang baybayin ay ang sinaunang alpabeto ng mga Pilipino noong hindi pa nasasakop ng mga Espanyol. Sinasabi nila na lahat ng mga katutubo ay marunong magsulat at magbasa ng Baybayin noon, at ang baybayin ay ginagamitan ng tatlong patinig, at labing-apat na katinig.
Tinatawag din minsan na Alibata ang Baybayin ni Paul Verzosa. Sa kasalukuyang panahon, ginagamit din minsan ng mga kabataan ang baybayin upang matandaan pa rin ang kasaysayan ng Pilipinas.