Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at Mandarin?

Katanungan

Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at Mandarin?

Sagot verified answer sagot

Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at MandarinAng kultural na heograpiyang kinabibilangan ng Filipino at Mandarin ay ang wika. Ang Filipino ay isa sa mga pangunahing wika sa bansang Pilipinas.

Ito rin ang tinagurian nilang wikang pambansa. Ang wikang Filipino ay isa ring asignatura sa nasabing bansa na tumatalakay sa paggamit ng wikang ito.

Sa kabilang banda, ang Mandarin naman ay isang lupon ng mga wikang Sinitic na sinasalita sa Hilaga at Katimugang bahagi ng China.

Ang wikang Mandarin din ang sinasabing basehan ng standard na wikang Chinese. Sinasabi rin na ang wikang Mandarin ay ang isa sa mga pinakasinasalitang wika sa buong mundo kasama ang English at Spanish.